top of page
Search

Kwentong Ketong ni Tatay Domeng

  • Writer: CamCam
    CamCam
  • Apr 3, 2019
  • 6 min read

Updated: Apr 4, 2019

"Leprosy or Hansen's Disease (Ketong in Filipino) is a chronic infectious disease that primarily affects the peripheral nerves, skin, upper respiratory tract, eyes, and nasal mucosa (lining of the nose). The disease is caused by a bacillus (rod-shaped) bacterium known as Mycobacterium leprae."

Source: https://www.niaid.nih.gov/diseases-conditions/leprosy-hansens-disease


(Disclaimer: Nakilala ko si Tatay Domeng netong nakalipas na ECSA CAMP: I Am Willing ng QCPACE-UMYFP na ginanap sa Tala UMC and in-partnership with GBCS-UMC and Tala General Hospital.)


Meet Tatay Domeng...



ree
Tatay Domeng


He had Hansen's Disease (Leprosy) when he was 21. (Hindi niya nasabi sa akin kung kelan siya fully gumaling knowing na matanda na si Tatay at matagal na siya sa ward na iyon. Ang sabi nga niya yung apat na ward na meron yung ospital naikot na daw niya kakalipat lipat nila ng pwesto.)


He loves going to disco when he was younger. (Probably before he came to the Leprosarium "Tala General Hospital" where he has now been living in for about 50+ years.)


He loves listening to music. (Gusto niya yung kantang "Napakasakit, Kuya Eddie" na gusto niyang ipakanta sakin pero di ko naman masyadong alam so napunta kami sa "Hotel California" at "Tukso.")


He has a wife who sometimes visit him and bring in food and clothing. (Ang biro nga namin "wives" ang meron ata talaga siya kasi binibiro niya talaga kami na tatlo o lima ang asawa niya.)


He lost his left leg because the Doctor had to cut it off in order for the bacteria to stop spreading in his entire body. (May artificial leg si Tatay Domeng so paminsan naglalakad lakad naman daw siya. Kailangan lang daw niya ng alalay kung maglalakad talaga siya ng malayo dahil masakit daw at may sugat o nagkakasugat yung pinaglulusutan niya nung artificial leg niya.)


He owns a radio and a TV but both are not working. (Nakapatong yung TV sa upuan tapos yung radio nasa may baba naman. Hindi daw gumagana ayon sa kanya. Tinititigan lang daw niya yung mga iyon.)


He has a dog. (May sinabi siyang pangalan ng aso niya di ko lang matandaan pero ang sabi niya sa may likod ng bintana nakatira yung aso at pag tumatahol daw ibig sabihin gutom na kaya pagbubuksan niya ng sardinas at itatapon sa bintana para kainin nung aso niya.)


He has his own water jug. (May malaking bughaw na lagayan ng tubig si Tatay Domeng. Bigay din daw ng asawa niya.)


He has a lot of pillows in his bed. (Ang sabi ni Tatay "yung mga kaibigan kong kumuha na ng one way ticket (to heaven) eh kinuha ko yung mga unan nila tsaka yung iba dito di nila kailangan ng unan dahil diretso lang dapat sila mahiga.")


He has a wardmate named Tatay Emmanuel whom he calls bestfriend. (Si Tatay Emmanuel very close kay Tatay Domeng magkalapit yung kama nila tapos sabi nila halos sabay silang dumating dun sa Tala. Kapatid na nga daw ang turingan nilang dalawa.)


I have a lot to say about Tatay Domeng. Simple facts about him. Simple stories from him.


I can't forget him, I really can't forget Tatay Domeng and everything he had shared with me because he said that I am beautiful. Sabi niya "Maganda ka kahit mataba ka." 😌 Haha. Totoong sinabi niya eto!


But on a serious note I am in awe on how Tatay Domeng is striving and thriving just to get by.

Kinalimutan na nga daw sila ng gobyerno kaya dumidiskarte sila para makakain. Ang sabi ng ilan ding kasama ni Tatay Domeng eh may "rasyon" sila ng pagkain. Minsan sa isang linggo eh dalawang araw lang yung may rasyon sila ng pagkain at depende pa daw kung makakakuha ka ng pagkain kung registered o unregistered patient ka ng ospital. SO MAY REGISTERED AT UNREGISTERED PERO PAREHAS NAKA-ADMIT SA IISANG OSPITAL? SA IISANG WARD? YUNG TOTOO? PAKI EXPLAIN.


May sariling water jug, mga de lata, tinapay, at biscuit si Tatay Domeng kasi hindi naman daw talaga sila nakakakain ng maayos. Diskarte lang daw katapat ng gutom nila kaya si Tatay Domeng dumidiskarte sa sarili niyang kaparaanan, sa tulong nadin marahil ng kanyang asawa.


Ang kwento niya may ilan pa sa kanila yung tumatakas sa ward para manlimos sa labas tapos yung malilimos nilang pera ibibili nila ng pagkain tapos pag bumalik sila sa loob pagagalitan sila dahil nga tumakas sila. Ang masakit dito ginagawa nilang tumakas para manlimos dahil NAGUGUTOM sila.


Gutom ang kanilang mga sikmura pero mas gutom ang kanilang mga mata at tenga na makakita at makarinig ng mga taong kakalinga at tunay na tutulong sa kanila.


Gusto ng marami sa kanila yung nabibisita sila, kinikwentuhan, nakikipagsayawan, at kantahan sa kanila dahil halos lahat sila wala ng pamilya, kinalimutan ng pamilya, tapos idagdag mo pang kinalimutan din sila ng gobyerno nateng bulok na talaga ang sistema.


Sabi ko kay Tatay Domeng, "Tay, gusto mo pa bang lumabas dito? Punta ka sa asawa mo tsaka sa anak mo para naman di ka na niya dadalhan ng pagkain dito, imbis eh ipapagluto ka na niya mismo." Ang sagot ni Tatay sakin eh, "Ayoko na. Dito na lang ako kasi matagal naman na talaga akong andito. Okay na yung binibisita ako ng asawa ko minsan dahil siguro may awa pa sakin dito pag nasa labas hindi naman ako aasikasuhin ng mga yan magiging pabigat lang ako sa kanila." (Non-Verbatim)


Sumatutal ang naiisip at nararamdaman ni Tatay Domeng eh magiging "pabigat" siya pag lumabas pa siya dahil nga daw sa karamdaman na "nagkaroon" siya. Take note, magaling na si Tatay. Magaling na si Tatay Domeng at halos lahat ng andun sa ward dahil sa gamot na iniinom nila.


And do some research hindi naman daw talaga nakakahawa ang Hansen's Disease unless may droplet transmission ka from a patient o may prolonged exposure ka sa kahit sino na may ganitong karamdaman. Mali din daw ang iniisip naten na nasa "genes" eto dahil uulitin ko "PROLONGED EXPOSURE" daw ang madalas na dahilan kaya kapag sa isang pamilya eh madaming nagkakaroon ng Hansen's Disease. Lalo na nung unang panahon dahil hindi pa naman uso ang modernong gamot noon at itinuturing na halos sumpa o dahil sa kulam ang magkaroon ng ketong kaya ang hirap noon magpagamot.


Madaming pasyente na may Hansen's Disease sa ospital na kinaroroonan ni Tatay Domeng (Tala General Hospital). Noong pumunta kami nakabisita kami ng 60 na pasyente sa mga mismong wards nila. Ang masakit eh ang sabi sa amin gigibain daw yung ward na yun at tatayuan ng bagong gusali. Saan mapupunta sila Tatay Domeng? Kelan ba talaga sila hindi aabandunahin ng mga tao sa paligid nila? Ng mga taong dapat nag-aaruga sa kanila? Ng gobyerno na siyang dapat nagbibigay ng pantay na pagtingin at pagkalinga para sa basic human rights na kasama ang access to proper healthcare?


When are we going to disturb those who are comfortable?

When are we going to stop being so comfortable that we forgot others are very much disturbed?

WHEN?!?!


Yung kwentuhan namin ni Tatay Domeng natapos sa "Tay, alis na po kami." at sa tanong niyang, "Kelan kayo babalik?" (Di ako nakasagot. Ngumiti lang ako.)


Ang masakit na katotohanan, hindi ko alam kung kelan talaga Tatay Domeng.


Hindi ko alam kung may magagawa din ba ako para tunay na matulungan kayo sa matagal niyo ng pagkakabilanggo sa kulungan ng "kinalimutan at inabanduna."


Pero alam kong sapat sa ngayon ang ipalaganap ang mga tunay na impormasyon tungkol sa kalagayan at sitwasyon ninyo. Alam kong may mabigat na importansya ang pagtuturo sa ibang tao ng tungkol sa Hansen's Disease at alam kong may mapait man sa katotohanan na makita at malaman din ng iba kung papaano kayo pinababayaan ng gobyerno naten na siyang dapat pumoprotekta at sumusuporta para sa inyong mga pangangailangan eh siya ding ginhawa upang ma-educate at maging aware ang lahat sa nangyayare sa lipunan.


Naniniwala ako na walang government funded activities o facilities dahil lahat yan ay taxpayer funded pero kung hindi talaga kikilos ang mga kinauukulan, ang mga tao na siyang niluklok ng mga kapwa nila mamamayan para maging tunay na manggagawa ng sambayanan para sa kaayusan at pangangailangan ng lipunan eh wala talagang mangyayare sa ating bayan. WALA.


Yung sitwasyon ni Tatay Domeng ay sitwasyon ng mas nakakarami pang may mga karamdaman na hanggang ngayon nakakulong sa bilangguan ng "kinalimutan at inabanduna" ng ating pamahalaan.


Kung papaanong moderno at tumatakbo pasulong ang teknolohiya ganun din sana para sa ating mga public facilities na siyang dapat manguna sa pangangalaga ng mga mamamayan.


Ang pagkamulat ko sa Hansen's Disease at sa kung papaano ibbreak ang stigma na mayroon eto ay sapat upang ako'y bumangon at sumulong di lang para sa aking sarili kundi para sa mga nakararami na katulad ni Tatay Domeng.


Sa mga katulad niyang "kinalimutan at inabanduna."


 
 
 

2 Comments


vannessajanedabay20
Apr 04, 2019

Yey! Ang bawat kwento ay tunay ngang kakaiba at umiikot sa pagiging abandona at kinalimutan na. We are more than blessed to be part of this camp ate. We have been disturbed and we are blessed to be disturbed. Mahaba haba man ang lalakabayin ng usaping ito, malaking tulong na ang mamulat ang kamalayan ng mga tao. Kasalanan na lang ang pagpikit nito.

si Kristo higit sa lahat!

Like

Ed Abugan
Ed Abugan
Apr 04, 2019

Camille thank you for your divine ministry,

please continue to inspire us with stories that lead us to make disciples of Jesus Christ for the transformation of the world.. Shalom .

Like

© 2023 by Closet Confidential. Proudly created with Wix.com

bottom of page