MaTABANG...
- CamCam
- Apr 4, 2019
- 5 min read
Updated: Apr 9, 2019
Matabang ang unang pagkamulat ko sa taba na meron ako.

Simula nagkaisip ako alam ko na hindi ako katulad ng ibang bata na payat o di kaya'y kinagigiliwan pasalihin sa mga patimpalak ng kagandahan at pasexyhan. (Pero nung Grade 2 o Grade 3 ako pinasali ako ni Mama sa isang Mutya at Ginoo Contest ng school ko noon dahil walang magrerepresent sa Grade Level namin at isa pa eh MONEY CONTEST yun. Tsk! 3rd Placer din ako doon.)

Simula bata ako ang tawag sa akin ng mga tao ay baboy, balyena, damulag, negra, maitim, oink oink, at kung anu-ano pa dahil maliit pa lang daw ako ang lakas ko ng kumain. Bawat tukso eh luluha ako, iiyak, ngangawa, pero wala namang nangyayare. Pagtapos kong umiyak aasarin ulit nila ako. Tila nakakakuha sila ng kalakasan sa tuwing nanghihina at nasasaktan ako.

Kinamulatan ko ang karahasan ng pang-bubully, karahasan ng pangaalipusta't pangaapi. Physically and emotionally I was abused. I was bullied by people, folks around my age, people in authority, people in the church, and sadly even some of my own relatives.

I WAS BULLIED. I AM STILL BEING BULLIED.
I was bullied for being fat. I was bullied because I have a different body type; one that doesn't fit to the lame ass social norm that most people conformed to just because they think that's the best.
Sa mas makatotohanang aspeto dito sa mundo ipapaalala ko na sa inyo na hindi naman lahat ng tao eh payat. Hindi din lahat mataba. Hindi lahat matangkad o pandak. O kung anu-ano pa. Magkakaiba tayong lahat. We are all unique. We are created by God differently.
Sisimulan ko ang mas pinahabang kwento ko ng karahasan ng pangbubully sa "SANA MAY NAKINIG SAKIN."
Sana may nakinig sakin nung panahong nagsusumbong ako sa Titser ko na binubugbog ako ng bully kong kaklase kasi ayokong ipahiram sa kanya yung bolpen ko.
Sana may nakinig sakin nung panahong di ko binigyan ng papel ang bully kong kaklase at bigla niya akong sinaksak "pabiro" ng lapis.
Sana may nakinig sakin nung panahong sinuntok ako ng bully kong kaklase sa braso na nagkaroon ng pasa dahil "trip" lang daw niya.
Sana may nakinig sakin nung panahong iyak ako ng iyak dahil tinago ng mga bully kong kaklase yung sapatos at bag ko na dahilan upang di ako makauwi ng maaga sa bahay.
Sana may nakinig sakin nung panahong sinabi ko na yung Titser ko minura ako sa loob ng klasrum dahil lamang nagtanong ako para sa gagawin namin sa klase niya. (Tandaang tanda ko na hindi ko maunawaan ng lubusan yung instruction ng Titser ko dito kaya nagtaas akong kamay, tumayo, at nagsalita pero ang nakuha kong sagot eh, "You're not listening! Go, out! I DON'T WANT TO SEE YOUR FCKING FACE IN HERE.")
Sana may nakinig sakin nung panahong wala akong kasamang mag-recess o mag-lunch dahil takot ako sa mga kaklase ko.
Sana may nakinig sakin nung panahong hindi ako makasali sa mga school activities ng maayos dahil halos ayaw akong pasalihin ng ibang guro dahil may "peyborit" na estudyante na sila na napili. (Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na mag-grow at mag-glow sa paaralan kong to dahil halos lahat ng activities may personal choice na sila. May personal na papasalihin sila kunyare sa slogan contest o sa kung anu-ano pang contest na gusto ko din sanang salihan para maipakita ko na mayroon din akong talento para doon.)
Sana may nakinig sakin nung panahong sinasabi ko na "Ma, sabi ni Kuya ---- di niyo daw ako kamaganak." o di kaya eh "Ma, panget daw ako sabi ni ---- dahil di naman daw talaga nila ako pinsan." (May mga kamaganak talaga minsan na alam na nga yung sitwasyon mo ipapamukha pa sayo, I'm speaking about me being an adopted child. May iba na uulit ulitin talaga na ipamukha sakin na di nila ako kamaganak eh na as if naman hindi ko alam yun. At may iba din naman na kung makapanglait wagas.)
Sana may nakinig sakin nung panahong sinabi ko na "Ma, sabi niya sa akin kaya daw ako "ganito" dahil "ampon" ako.
Sana may nakinig sakin nung panahong sinabi ko na "Sabi niya nga sakin kaya ako mataba kasi napabayaan na daw ako sa kusina."
Sana may nakinig sakin nung panahong sinabi ko na NASASAKTAN AKO.
Sana may nakinig sakin nung panahong sinabi ko na NAYUYURAKAN NA PAGKATAO KO.
Sana may nakinig sakin...
Sana may nakinig...
Sana may...
Sana...
San..
Sa...
S...
Salamat sa Diyos kasi may nakinig.
WAG MONG KALIMUTAN NA MAKINIG. MAKINIG KA SA HINAING AT SALOOBIN NG IBA DAHIL BAKA YUN YUNG PARAAN TO HELP THEM SAVE THEMSELVES FROM ALL THE HURT THAT THEY HAD EXPERIENCED OR IS STILL EXPERIENCING. I am thankful for those people na pinakinggan ako, pinakinggan yung hinaing ko. Salamat sa inyo.
Wala ako sa kung asan ako ngayon kung hindi napakinggan yung hinaing ko noon, sa mga sumbong ko na paulit ulit, at sa mga pagiyak ko na walang sawa.
Imagine... sa mga "sana may nakinig sakin" eh nailigtas ako dahil may nakinig nga sa akin.
Bullying has a lot of forms lalo na sa panahon naten ngayon na puro na social media ang mga kabataan, andiyan na yung cyberbullying na mahirap kontrolin at yung patuloy padin na pambubully sa mga magaaral sa eskwelahan o kahit saan pa man.
Kung ako nga hirap na hirap noon. Sobrang hirap bumangon araw-araw na alam mong masasaktan ka nanaman at maghihirap dahil lang sa kung ano't sino ka na dapat eh hindi naman.
Araw-araw noon nabubully ako. Hanggang ngayon nabubully ako dahil mataba padin ako partida nagpapapayat na ako neto ha, nag-gym na ako, at kung anu-ano pa pero napapansin padin talaga ng mga bully yung taba ko. Nabubully ako sa kung ano't sino ako just because other people think that they are better than me, better than anyone else.
BULLYING IS A SLOW WAY TO KILL SOMEONE.
Seryoso ako sa sinabi kong yan. Maraming maraming beses ko ng ginustong ma-deds noon dahil wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko, depressed na depressed ako noon, grabe yung anxiousness ko sa lahat ng nangyayare, at grabe yung pagooverthink ko sa sarili ko.
Madami ng namatay o nagpakamatay dahil nabubully sila. Hindi pa ba tayo mulat sa karahasan na dulot ng mga mapanakit nateng salita o gawa?
Hindi pa ba tayo gising na ang daming unti-unting namamatay dahil sinisira ng iilan yung kanilang confidence, yung kanilang self-worth?
Hindi pa ba?
Kelan ba?
Wake up, people. Wag na nateng gawing matabang ang buhay ng ibang tao dahil nawawalan lang lalo ng lasa ang ating mundo. May we all become salt and light for others.

STOP BULLYING.
STOP DISCRIMINATION.
STOP CONFORMING TO THE PATTERNS OF THIS WORLD.
LEARN TO APPRECIATE OTHERS.
LEARN TO SPREAD LOVE.
LEARN TO GROW WITH ONE ANOTHER.
Para sa mga katulad kong nabully noon at binubully padin hanggang ngayon know that you are loved and that God loves us so much that He created us uniquely.
Sa mga patuloy nambubully, stop. Just stop. Don't hurt other people. Don't invalidate their feelings. Tao din kami. Tao tayong lahat. At lahat tayo nasasaktan.
Matagal na pakikibaka ang usapin ng bullying- pakikibaka na sana matutunan nateng lahat na tayo ay magkakaiba at na tayo ay parepareho din na may nararamdaman.
Ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa, at iparamdam naten sa lahat na ang puso naten ay #BULLYFREE.
Hindi na matabang ang pagmulat ko araw-araw dahil hanggang ngayon kasama ko yung taba kong natutuhan kong mahalin na umaabante para sa mga pangarap ko.
I AM CONFIDENTLY BEAUTIFUL WITH ADDED FATS.
Kaya yung mga bully diyan, peace out!

Wag nateng gawing matabang ang buhay ng iba.
Gawin naten etong MASAYA at KAAYA-AYA!
Opmerkingen