MOVING ON, MOVING FORWARD!
- CamCam
- Apr 29, 2018
- 4 min read
Updated: Apr 4, 2019

I grew up in a God-centered and loving family.

I never knew that my life would turn upside down the moment I figured out that I am an adopted child.
I am always in awe on how God turned my life the way he wanted it to be.
He saved me from my wretched life. He made me the best version of myself possible.
I am not an orphan because of this great father of mine, Jesus.
As stated in John 14:18 ""I will not leave you as orphans; I will come to you."
Jesus came to my life, did not leave me as an orphan, and made me One with him.

When I was around 7 years old I started to be bullied in school and our neighborhood for being different; different in a sense that me and my younger sister, Maxidy do not look alike. She's pretty and I'm sort of her opposite.
Back then I would cry by being called Panget, Baboy, Balyena, Ampon, Sampid, Negra, Itim, and many more. I would whine like a cow being butchered because I am deeply hurt. Ang sakit, sakit, sakit maging iba sa nakakarami. Noon ang tingin ko sa sarili ko kawawa at huling huli sa lahat dahil walang gustong makipaglaro sakin o sa kadahilanan na wala ako masyadong kaibigan.
I was in Grade 5 or 6 when an incident occurred that changed my perspective in life; one day at school I was bullied as usual but then things turned around and became worst. Sinuntok ako ng isa sa mga bully ko noon. Sinuntok niya ako sa kanan kong braso. Iyak ako ng iyak. Totoong suntok na gumising sa leon na nasa puso ko. Iyak ako ng iyak halos walang paglagyan ung iyak ko. Nung mga panahon na yun palagi akong tinatawag na iyakin dahil "konting asar" lang daw iiyak na ako ang di nila naiintindihan NASASAKTAN ako kasi ang SAKIT ng mga sinasabi nila. This incident ignited the worst version of me.
Gumising na lang ako isang araw na itinatakwil ko ang pamilyang meron ako, yung mga tao sa paligid ko, mga "konting kaibigan" na meron ako, pero higit sa lahat ang Panginoon. Ang nasa isip ko noon "ITINAKWIL AKO NG MUNDONG ETO SO DAPAT ITAKWIL KO DIN UNG MGA NASA PALIGID KO AT KUNG SINO MAN ANG GUMAWA NG MUNDONG ETO!"
Sinaktan ako ng mga tao sa paligid ko not knowing na it ignited the lion in me and made me worst. It really made me worst, sa puso't isip ko naging ibang tao ako dahil kung anu-ano ng pumapasok sa isip ko. Gusto ko ng magpakamatay. Sabi ko sa sarili ko bakit ba ibang-iba ako sa mga tao sa paligid ko, bakit ba hindi ako maging normal?
Akala ko dati yung normal is yung tanggap ng mga tao, yun pala dapat yung "normal" yet "supernatural" is yung tanggap mo yung sarili mo dahil tinanggap mo si Kristo at tinanggap ka niya ayon sa kanyang pagkakagawa sayo.
God accept us because he created us. He is our Father and we are His children. Walang kahit na anong makakapawi ng status naten na iyon sa Panginoon.
The moment I've realized that God changed me and made me experienced that things I've encountered before eh unti-unti na akong nagbago.
When I was in 3rd year high school, I started blossoming into a wonderful flower. Hindi na ako wallflower naging wonderful flower na ako. Nag-start na ako makipagkaibigan sa mga tao sa paligid ko at palagi ko na din sinasabi sa sarili ko na magiging okay na lahat at totoo nga unti-unti ng naging okay ang lahat, nabawasan at tuluyan ng nawala yung mga nambubully sakin pagdating ng 4th year high school, dahan dahan pero tunay kong naging kaibigan yung mga kaklase ko. Mas natanggap nila ako at mas naintindihan ko sila dahil tinanggap at inintindi ko muna ang aking sarili.


This batch changed me in ways they don't even know. Salamat sa inyo kasi binago ninyo yung pananaw ko sa buhay, tinanggap niyo kung sino ako, hinayaan niyong maging isang Pamilya tayo kahit iba-iba tayo ng pananaw sa buhay at kung sino tayo.
Puro graduate at professional na halos lahat saten, masaya akong naging parte kayo ng pag-move on ko at pag-move forward. Thank you Batch 2012 for making my life brighter and bolder!
Habang lahat ng nangyare sakin during my elementary and highschool days ay naging parte ng buhay ko, mas naging malaking parte yung journey ko sa UMYFP alongside of the struggles I've had encountered in school.
At 11 years old I became active in the United Methodist Youth Fellowship of the Philippines. Kaakibat ng journey ko sa school, hindi ko agad natanggap ang Panginoon sa buhay ko kahit active na ako sa UMYFP noon. It was when I was 15 and had accepted who I am as a person and God's child. Tinanggap ko na ampon ako, na mahina ako, at na hindi ko kaya lahat ng struggle sa paligid ko at doon na nagsimulang mas maramdaman ko ang pagkilos ng Panginoon sa buhay ko.
Unti unti niya akong binigyan ng victory and breakthroughs.
I became an Information, Communication, and Resource Development Officer for 1 year and Local Church President for 3 years at the Kamuning First United Methodist Youth Fellowship and eventually became the President for 2 years in the Southeast District Quezon City Philippines Annual Conference East handling 10 local UMC youth fellowships with 150+ active UMYF.


Hindi din hinayaan ng Panginoon na sa Church lang ako magkaroon ng victory and breakthrough. He delivered me to experience greater opportunities.
Nagbukas ang pinto ng Alliance of Legal Management Associations of the Philippines na nagbigay sakin ng magandang oportunidad para maging Associate Vice-President of Membership. An experience outside the Church and religion that I have yet God's the one behind this and everything that I have.

God made me victorious. God gave and keeps on giving me breakthroughs because I accepted him as my Father and Savior.
Right now, I am still moving on and moving forward for God's greater glory.
Ang PUSO ko ay para kay KRISTO.
Ang GAWA ko ay para kay KRISTO.
Ang ISIP ko ay para kay KRISTO.
Ang buo kong pagkatao ay PARA KAY KRISTO at hindi para sa mga tao.
Patuloy akong kikilos para sa kaharian ng Panginoon at patuloy kong iaangat ang pangalan ng Panginoon para sa kanyang ikakalugod sa pamamagitan ng pag-gawa ng mga activities na ipapakilala siya sa mga tao at hahayaan na kumilos ang kanyang Banal na Espiritu.
Comments